Home NATIONWIDE Biktima ng Oplan Tokhang umapela sa SC: Kaso vs mga pulis buhayin

Biktima ng Oplan Tokhang umapela sa SC: Kaso vs mga pulis buhayin

MANILA, Philippines- Hiniling sa Supreme Court (SC) ng isa sa survivors ng Oplan Tokhang na buhayin muli ang kasong kriminal na kanyang isinampa laban sa mga pulis na nagsagawa ng anti-drug operation laban sa kanya at kanyang mga kasamahan noong 2016.

Nakasaad sa petisyon ni Efren Morillo na baligtarin ng SC ang naging findings ng Ombudsman na nagbasura sa reklamong murder, frustrated murder, at robbery laban kina Police Captain Emil Garcia, Police Staff Sergeant Allan Formilleza, Patrolman James Aggarao Jr. at Melchor Navisaga.

Si Morillo ay nakaligtas sa anti-drug operation noong Agosto 2016 matapos magpanggap na patay na at pilit na gumapang palabas ng kanilang bahay hanggang sa makarating sa kalsada para makahingi ng tulong.

Kabilang sa co-petitioners ni Morillo sina Maria Belen Daan, Lydia Gabo at Marilyn Malimban.

Una nang sinabi ng Ombudsman na self-defense ang ginawa ng mga pulis kaya binaril sina Morillo at kanyang mga kasamahan.

Sinabi ng mga petitioner sa SC na hindi na ni-require ng Ombudsman ang mga pulis na maglabas ng mga ebidensya na patunay na self-defense ang kanilang ginawa.

Sinabi ng mga pulis na armado sina Morillo at sumigaw na: “Hindi kami pahuhuli nang buhay.”

Gayunman, negatibo naman si Morillo sa nitrate powder.

“The Ombudsman also failed to accord due respect for the findings of facts and judgments in intimately related previous court cases.” Teresa Tavares