Home HOME BANNER STORY Poll exec inakusahan ng solon ng pagtanggap ng P1B sa ‘offshore accounts’;...

Poll exec inakusahan ng solon ng pagtanggap ng P1B sa ‘offshore accounts’; Comelec pumalag

134
0

MANILA, Philippines- Kinuwestiyon ng isang mambabatas ang Commission on Elections (Comelec) ang paggawad nito sa P18 bilyong automated election contract sa joint venture kabilang ang Korean firm Miru sa gitna ng umano’y pagkakaroon ng 49 offshore bank accounts na tumanggap ng pera mula sa mga bangko sa South Korea.

Sa isang press conference, sinabi ni SAGIP party-list Representative Rodante Marcoleta na ang mga desisyon ng Comelec sa proseso ng bidding hanggang sa pagbibigay ng kontrata sa Miru firm ay kasabay ng mga deposito na ginawa sa mga offshore account na aniya ay maliwanag na nauugnay sa isang Comelec opisyal.

Ang “milestones” na ito ay binansagan ni Marcoleta na kasama ang diskwalipikasyon ng Smartmatic sa proseso ng bidding ng Comelec en banc sa kabila ng payo ng legal department nito.

Hindi binanggit ni Marcoleta ang sinasabing opisyal ng Comelec na umano’y nauugnay sa offshore accounts .

Sinabi ni Marcoleta na ang 49 offshore bank accounts ay nakatanggap ng aabot sa P1 bilyon, pagkatapos ay sinabi ng Comelec na dapat gumawa ng higit pang hakbang sa pamamagitan ng pagwawaksi sa bank secrecy upang mapahinga ang mga hinala.

Samantala, sinabi ni Comelec Chairperson George Erwin Garcia na siya ang tinutukoy ni Marcoleta ngunit itinanggi ang akusasyon na ipinupukol  laban kanya. Itinanggi rin ni Garcia ang mga alegasyon na nagmamay-ari siya ng mga foreign bank account pati na rin ang mga ari-arian sa ibang bansa.

“Wala po akong kahit anong foreign account o kahit anong bahay o property o lupa sa kahit anong foreign lands. Ang lahat ng akin kung meron man, nandito sa Pilipinas sapagkat hindi naman ako umaalis ng ating bansa,” giit ni Garcia.

Sinabi rin ni Garcia na nagpadala siya ng liham sa National Bureau of Investigation (NBI) na humihiling sa ahensya na imbestigahan ang mga akusasyon.

Samantala, sinabi ng Miru na nananatili itong nakatuon sa paghahatid ng pinakamahusay na posibleng automated system na akma sa mga pangangailangan ng mamamayang Pilipino sa gitna ng mga maling alegasyon na kamakailan lamang ay kumalat sa media. Jocelyn Tabangcura-Domenden)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here