Home NATIONWIDE Bilang ng barko ng China na namataan sa WPS, bumaba

Bilang ng barko ng China na namataan sa WPS, bumaba

53
0

MANILA, Philippines – Bumaba sa 27 ang bilang ng mga barko ng China na namataan sa ilang bahagi ng West Philippine Sea (WPS) nitong nakaraang linggo, ayon kay Rear Admiral Roy Vincent Trinidad.

Mula Mayo 12 hanggang 18, namonitor ang mga barko sa mga sumusunod na lugar:

-Ayungin Shoal – 8 barko

-Bajo de Masinloc – 14 barko

-Escoda Shoal – 1 barko

-Pag-asa Islands – 4 barko

Kabilang sa mga ito ang mga barko ng China Coast Guard at People’s Liberation Army Navy.

Patuloy ang tensyon sa WPS dahil inaangkin ng China ang halos buong South China Sea, kabilang ang ilang lugar na sakop ng Pilipinas.

Noong 2016, nagdesisyon ang Permanent Court of Arbitration pabor sa Pilipinas at sinabing walang legal na basehan ang pag-aangkin ng China, ngunit hindi ito kinikilala ng Beijing. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here