Home NATIONWIDE House prosecution panel, handang ilatag mga ebidensya sa impeachment trial vs VP...

House prosecution panel, handang ilatag mga ebidensya sa impeachment trial vs VP Sara

39
0

MANILA, Philippines – Sinabi ng mga miyembro ng House prosecution team na handa na silang iharap ang mga ebidensya sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, at isasagawa nila ang kanilang tungkulin nang may “paggalang sa proseso.”

Ayon kay Manila Rep. Joel Chua, kinikilala ng prosecution panel ang pag-convene ng Senado bilang impeachment court noong Lunes para sa paglilitis laban sa Bise Presidente.

“We acknowledge the convening of the Senate impeachment court for the trial of Vice President Sara Duterte,” ani Chua. “We are prepared to present the evidence before the impeachment court and to comply with its lawful orders, directives and procedures.”

Dagdag pa niya, “As members of the House prosecution panel, we look forward to performing our mandate under the Constitution with seriousness, discipline and respect for the process.”

Sinabi rin ni Bicol Saro party-list Rep. Terry Ridon na susunod sila sa mga utos ng impeachment court at agad silang tutugon kapag nakapagpasa na ng sagot si Duterte sa mga paratang.

Binigyan ang Bise Presidente ng 10 araw para sagutin ang articles of impeachment, habang ang House prosecution team ay may limang araw naman para tumugon sa kanyang sagot.

Ayon sa House prosecutors, ang kanilang pangunahing tungkulin ngayon ay tiyaking mailalatag at masusuri nang maayos ang ebidensya sa impeachment court.

Matatandaang nag-impeach ang House of Representatives kay Duterte matapos bumoto ang 257 mambabatas pabor sa reklamo na naglalaman ng mga alegasyon tulad ng umano’y maling paggamit ng confidential funds, unexplained wealth, at mga banta laban sa mga opisyal ng gobyerno.

Kabilang sa mga naunang pagdinig ang alegasyon ng maling paggamit ng confidential funds sa Office of the Vice President at Department of Education, pati na rin ang mga isyu sa umano’y hindi maipaliwanag na yaman at mga kahina-hinalang transaksyon na kinumpirma rin ng Anti-Money Laundering Council na bahagi ng kanilang records.

Inaasahang magpapatuloy ang impeachment proceedings habang inihahanda ng magkabilang panig ang kanilang mga sagot at ebidensya. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here