Home TOP STORIES Rail safety measures, hihigpitan ng Thailand, matapos banggan ng tren, bus

Rail safety measures, hihigpitan ng Thailand, matapos banggan ng tren, bus

79
0

BANGKOK, Thailand – Nagpatupad ang Transport Ministry ng Thailand ng mas mahigpit na rail safety measures matapos ang banggaan ng tren at bus sa Makkasan railway crossing noong Mayo 16 na ikinamatay ng walong tao at ikinasugat ng 32 iba pa.

Ayon kina Deputy Prime Minister and Transport Minister Phiphat Ratchakitprakarn at Deputy Transport Minister Siripong Angkasakulkiat, magkakaroon na ng 100% drug testing at araw-araw na alcohol test para sa lahat ng public transport drivers.

Sinabi rin ng gobyerno na walang poprotektahan kung may mapatunayang nagkasala sa insidente.

Kabilang sa mga bagong patakaran ang hindi aandar ang tren kapag hindi bumaba ang railway barriers, pagsasaayos ng railway crossing systems at traffic lights, pagbabawal sa ilang freight trains at oil trains na pumasok sa inner Bangkok, at paglilipat ng freight operations sa outer stations.

Magsasagawa rin ng criminal at administrative investigation laban sa mga posibleng responsable sa aksidente.

Naglaan din ang pamahalaan ng kompensasyon para sa mga biktima at kanilang pamilya. Aabot sa 2.09 milyong baht ang matatanggap ng pamilya ng bawat nasawi, habang sasagutin din ang gastusing medikal ng mga nasugatan. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here