MANILA, Philippines- Sinabi ng Armed Forces of the Philippines (AFP) nitong Martes na namataan nito ang kabuang 163 Chinese vessels sa West Philippines Sea (AFP) sa nakalipas na linggo.
Ito ang pinakamaraming Chinese vessels na na-monitor ng Philippine Navy sa nakalipas na tatlong buwan.
Mula Agosto 20 hanggang 26, 127 Chinese maritime militia (CMM) vessels, 18 People’s Liberation Army Navy (PLAN) ships, 16 China Coast Guard (CCG) vessels, at dalawang research vessels ang namataan sa WPS.
Narito ang Chinese vessels na nakita sa WPS features:
Bajo de Masinloc – limang CCGs, tatlong PLANs, siyam na CMMs, isang research vessel
Ayungin Shoal – tatlong CCGs, isang PLAN, 19 CMMs
Pagasa Islands – isang CCG, dalawang PLANs, 32 CMMs
Parola Island – isang PLAN
Kota Island – isang PLAN, pitong CMMs
Likas Island – isang research vessel
Lawak Island – dalawang PLANs, 1 CMM
Panata Island – isang PLAN, dalawang CMMs
Patag Island – isang PLAN
Escoda Shoal – pitong CCGs, anim na PLANs, 40 CMMs
Iroquois Reef – 17 CMMs4