MANILA, Philippines- Nakiusap ang ilang senador sa liderato ng Kamara na payagan si Cassandra Li Ong, ang authorized representative ng nilusob na POGO hub in Porac, Pampanga, na dumalo sa Senate inquiry hinggil sa pagtakas nang pinatalsik na si Bamban mayor Alice Guo at kasama nito.
Ayon sa secretariat ng Senate subcommittee on justice and human rights, nakapagpadala na sila sa secretary general ngHouse of Representatives na liham upang payagan si Ong na dumalo sa pagdinig at ihabilihn sa g and it was remanded quad committee na nag-iimbestiga sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).
Ngunit, wala pang tugon ang Senate panel kahit nakipag-ugnayan na sila.
Ayon kay Senador Risa Hontiveros, may posibilidad na dadalo si Ong sa pagdinig sa pamamagitan ng video teleconferencing.
Ayon naman kay Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III, maaaring dumalo si Ong sa Senate hearing dahil nakatakda ang pagdinig sa Kamara sa Miyerkules.
“Sa pagkakaalam ko, bukas pa ‘yung hearing ng quadcomm eh. So sana mapadala ng House dito. Pwede pa humabol for today si Cassandra Li Ong. So we make this public appeal to the House of Representatives to allow the appearance of Cassandra Li Ong in this particular Senate hearing being held today, right now. ‘Yung kanila po kasi is bukas pa naman. Mababalik naman si Ms. Cassandra Li Ong on time for their quadcomm hearing,” ani Pimentel.
Hiniling naman ni Pimentel kay Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada, na “make representation” dahil “very close” ang liderato ng House of Representatives upang maisagawa ang pagdalo ni Ong sa pagdinig ng Senado.
Sinuportahan nina Hontiveros at Senador Sherwin Gatchalian ang apela ni Pimentel.
Para sa kanya, sinabi ni Gatchalian na nakapaglabas ng subpoena ang Senate committee on women, children, family relations, and gender equality laban kay Ong nitong Hunyo 26 at may nakabinbin siyang kaso sa contempt nitong Hulyo 10 pa.
“She has a pending citation for contempt here in the Senate. We once again appeal to our colleagues in the House, since the agreement was so that both chambers will be given the chance to field their questions to the resource persons, Ms. Cassandra will be allowed to participate in the Senate hearing,” aniya. Ernie Reyes