Home NATIONWIDE Solon sa pagtakas ni Alice Guo: Kahihiyan ‘to para sa’tin

Solon sa pagtakas ni Alice Guo: Kahihiyan ‘to para sa’tin

146
0

MANILA, Philippines- Kinuwestiyon ng isang senador nitong Martes kung bakit hindi napigilan ng tatlong law enforcement agencies ang pagtakas ni dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo sa kabila ng pagkakaroon ng mahigit P1 bilyong intelligence at confidential funds.

Sa Senate panel hearing na nag-iimbestiga sa pagtakas ni Guo, kinompronta ni Sen. Sherwin Gatchalian ang Philippine National Police (PNP), National Bureau of Investigation (NBI), Bureau of Immigration (BI) at tinanong kung paano nakatakas ang dating alkalde.

“Paano nangyari ito? Ang ating mga ahensya meron po silang mga sariling budget sa intelligence funds. Itong mga intelligence at confidential funds dapat ginafgmit para malaman yung galaw ng mga kriminal at taong may sala sa pamahalaan,” wika ni Gatchalian.

Base sa senador, nagkakahalaga ang intelligence funds ng tatlong ahensya ng mahigit P1 bilyon:

  • PNP – P906 milyon

  • NBI – P175 milyon

  • BI – P20 milyon

“Kahihiyan to para sa atin… Dapat nagamit ito sa paghahananap sa mga taong ito,” giit ni Gaatchalian.

Sinasabing nagtatago ang pinatalsik na alkalde sa Indonesia, base sa BI. Nadakip ang kapatid umano nitong si Shiela Guo at kasamahang si Cassandra Li Ong sa parehong bansa noong nakaraang linggo at na-deport na.

Umalis umano si Guo at kanyang mga kapatid sa bansa noong ikalawang linggo ng Hulyo at dumating umano sa Malaysia noong Hulyo 18. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here