Manila, Philippines – May published interview si direk Joel Lamangan as to his take on sexual abuse with respect to the case of Sandro Muhlach.
Nalathala ‘yon sa isang sikat na online showbiz portal.
Ayon sa respetadong direktor, panahon pa raw ni kopong-kopong ay uso na ang mga ganoong kaso.
He even went as far as citing several actors (albeit hindi niya pinangalanan) na sumikat pero dumaan din sa stage na pumatol sila either sa direktor, manager nila o may mga kuneksyon sa showbiz.
Even Senator Jinggoy Estrada who took part in the committee hearing was quoted to have said na matagal na rin daw niyang alam that such practice does exist in showbiz.
Going back to direk Joel’s interview, nabasa pala ito ng aktor na si Ahron Villena.
Hindi man pinangalanan ni Ahron who he was alluding to ay obyus na si direk Joel ang tinutukoy niya.
One of the early movies he did ay si Joel ang direktor.
Ayon kay Ahron, cameo lang ang role niya pero isinabak siya sa daring scene that required him to cover his private parts with plaster.
“Kasama ko ‘yung taga-production sa loob ng CR para tulungan akong magkabit ng plaster. Tapos, pumasok ka (referring to the director), pinaalis mo siya. Sabi mo, ‘Huwag ka nang tumatawag ng iba, ako na lang ang gagawa niyan!’
“Okey lang naman ‘yon sa akin, eh…’Kaso idinidikit mo ‘yung kamay mo sa ‘ano’ ko!’
“Kaya ‘yung sinasabi niyang panahon pa ni kopong-kopong, eh, uso na ‘yang scenario na ‘yang pag-e-exploit na ‘yan, isa na ako du’n! Ako mismo ‘yon!” paglalahad ni Ahron.
Obyus na newbie pa lang si Ahron when he did that movie.
Pero ang tanong–bakit ngayon lang siya pumiyok when he could have dropped the bomb noong panahon ding ‘yon?
Wala ba siyang manager para sumbungan?
What does Ahron hope to achieve with his jeremiad?
At ano rin kaya ang reaksyon ni direk Joel as Ahron was clearly taking a swipe at him and no one else? Ronnie Carrasco III