Home NATIONWIDE Nones pinakukuha ng court order ng solon para makalaya

Nones pinakukuha ng court order ng solon para makalaya

MANILA, Philippines- Inatasan ng isang mambabatas si independent contractor Jojo Nones na kumuha ng court order upang makalaya sa pagkakakulong alinsunod sa contempt citation ng Senado sa ginanap imbestigasyon ng panghahalay sa anak ni Nino Muhlach.

Sinabi ni Senador Jinggoy Estrada na mananatiling nakakakulong si Nones sa Senado matapos itong patuloy na tumangging sumagot sa katanungan sa pagbabalik ng pagdinig ng Seando sa rape incident sa actor na si Sandro Muhlach.

Tinanong ni Estrada si Nones sa ginanap na pagdinig ng Senate public information and mass media committee, kung humingi siya kasama si Richard Cruz, ng paumanhin sa ama ni Sandro na si Niño Muhlach sa isang meeting.

“These are now details of the case, your Honor. I invoke my right to self-incrimination,” giit ni Nones sa Senate panel.

Patuloy na pinipiga ni Estrada si Nones na makakuha ng tugon pero hindi nito sinagot kaya uminit ang talakayan.

“I know your rights! I know your rights! You are always trying to evade the questions that are incriminating to yourself at the very start of this hearing. You get a court order for you to be released here!” ani Estrada.

Samantala, nabigong dumalo sa pagdinig si Cruz dahil nagkaroon ito ng gastrointestinal bleeding, ayon sa kanyang legal counsel.

Sa ginanap na pagdinig, idenetalye ni Sandro kung ano ang ginawa nina Nones at Cruz sa kanya sa sinasabing sexual assault incident.

Muling tinanong si Nones hinggil sa pahayag ni Sandro, ngunit ginamit nito ang kanyang right to self-incrimination.

Samantala, marami pang TV Networks ang nag-ulat sa Senado na nakatanggap din sila ng report hinggil sa sexual harassment sa kanilang empleyado.

Nakatakdang rebyuhin ng Senado ang batas hinggil sa sexual harassment para sa posibleng amendments kabilang ang mas mabigat na parusa.

Naghain si Sandro ng reklamo sa NBI hinggil sa insidente kahit pinabulaanan nina Nones at Cruz ang paratang na sexual harassment na pinaniniwalaang may malakas na ebidensiya. Ernie Reyes