Home HOME BANNER STORY Bilang ng mga lumalabag sa Safer Cities initiative, bumaba – PNP

Bilang ng mga lumalabag sa Safer Cities initiative, bumaba – PNP

115
0

MANILA, Philippines – Iniulat ng Philippine National Police na kapansin-pansin ang pagtaas ng pagsunod ng publiko sa mga lokal na ordinansa sa Metro Manila at iba pang urban areas, wala pang isang buwan matapos ipatupad ang Safer Cities initiative.

Ayon kay PNP chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., ang pagbaba ng bilang ng mga lumalabag sa ordinansa ay hindi lamang dahil sa mahigpit na pagpapatupad kundi indikasyon din ng mas mataas na public compliance.

“When people see that we are fair and consistent, they follow the rules… It’s a transition from fear of arrest to a culture of compliance,” ani Nartatez.

Inilunsad noong Abril 6, layunin ng Safer Cities initiative na higpitan ang pagpapatupad ng mga ordinansa tulad ng public drinking, topless loitering, curfew para sa minors, at late-night karaoke upang mabawasan ang street crimes.

Noong Abril 19, naitala ng PNP ang 6,514 violators, mas mababa kumpara sa 13,139 noong Abril 7, bagama’t umabot na sa mahigit 119,000 ang kabuuang violators sa loob ng dalawang linggo.

Pinakamarami ang kaso ng public drinking (35,394), sinundan ng curfew violations ng minors (9,214), topless sa pampublikong lugar (7,755), at karaoke violations (1,867), habang 64,880 ay iba pang local ordinance violations.

Ayon kay Nartatez, mahalaga ang malinaw na ordinansa sa mga LGU upang maiwasan ang kalituhan at maprotektahan ang pulis at mamamayan mula sa hindi pare-parehong pagpapatupad.

“The Safer Cities initiative requires a high-level legal backbone from our LGUs,” aniya.

Sa kabila ng mga kritisismo, kabilang ang pag-aresto sa isang lalaking naghalo ng semento sa harap ng kanyang bahay sa Mandaluyong, ipinagpatuloy ng PNP ang mahigpit na pagpapatupad ng mga ordinansa. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here