Home HOME BANNER STORY Bilang ng mga Pinoy na walang trabaho bumaba

Bilang ng mga Pinoy na walang trabaho bumaba

MANILA, Philipines- Bumaba ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho noong Pebrero sa 1.8 milyon, mula 2.15 milyon noong Enero, ayon sa Philippine Statistics Authority nitong Huwebes.

Dinala nito ang unemployment rate ng bansa sa 3.5 porsyento, mas mataas kumpara sa 4.5 porsyento bago ito.

Gayundin, 6.08 milyong Pilipino ang underemployed noong Pebrero, na kumakatawan sa sa mga naghanap ng karagdagang trabaho o working hours upang dagdagan ang kanilang kita. Mas mababa ito kumpara sa 6.39 milyong underemployed na mga indibidwal noong Enero.

Katumbas ito ng underemployment rate na 12.4 porsyento noong Pebrero kumpara sa 13.9 porsyento noong Enero.

Nauna nang sinabi ng National Economic and Development Authority (Neda) na sinisikap ng administrasyong Marcos na palakasin ang ugnayan ng mga industriya, ang academe, at ang public sector upang tugunan ang skill mismatches sa labor market. RNT/SA