Home LIFESTYLE HEALTH Bilang ng nasawi sa dengue sa NegOcc, Bacolod, 17 na

Bilang ng nasawi sa dengue sa NegOcc, Bacolod, 17 na

1
0

NEGROS OCCIDENTAL, Philippines – Umabot na sa 17 ang nasawi dahil sa komplikasyon ng dengue sa Negros Occidental at Bacolod City ngayong taon.

Ayon sa Provincial Health Office (PHO), 11 ang naitalang namatay sa Negros Occidental at lima naman sa Bacolod City. Hindi pa kasama sa ulat ang 11-anyos na batang lalaki mula Silay City na nasawi sa dengue noong Sept. 15.

Sa kabila nito, bumaba ng 38.22 porsiyento ang dengue cases sa Negros Occidental mula Jan. 4 hanggang Sept. 15. Naitala ang 2,889 kaso kumpara sa 4,676 noong kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Pinakamaraming kaso ang naitala sa La Carlota City na may 566, sinundan ng Bago City na 236; Silay City, 233; Cauayan, 182; San Carlos City, 152; Sagay City, 140; Kabankalan City, 122; Talisay City, 116; Cadiz City, 104; at Manapla, 74.

Ang mga nagkasakit ay nasa edad wala pang isang taon hanggang 94-anyos, ngunit mga batang edad 1 hanggang 10 ang pinakamaraming tinamaan.

Ang dengue ay viral infection na naipapasa sa kagat ng infected na babaeng Aedes mosquito. Maaari itong magdulot ng mataas na lagnat, matinding sakit ng ulo at katawan, pagduduwal at pantal sa balat.

Sa malalang kaso, maaaring mauwi ito sa dengue hemorrhagic fever o dengue shock syndrome na maaaring magdulot ng matinding pagdurugo, organ distress at nakamamatay na shock. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here