Home METRO Bilang ng nasawi sa lindol sa DavOr, 9 na — OCD

Bilang ng nasawi sa lindol sa DavOr, 9 na — OCD

284
0
(c) Davao Breaking News 2

MANILA, Philippines – Iniulat ng Office of Civil Defense (OCD) nitong Martes, Oktubre 14, na umakyat na sa siyam ang bilang ng mga nasawi sa magkakasunod na lindol sa Davao Oriental matapos makumpirma ang isang bagong fatality.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), tinamaan ng magnitude 7.4 at 6.8 na lindol sa Manay noong Oktubre 10 ang 200,914 pamilya o katumbas ng 845,001 katao sa Rehiyon 11 at 13.

“Last night, we had eight reported fatalities in Davao Region but early this morning, one additional death was recorded,” ayon kay OCD spokesperson Junie Castillo. Nasa 403 naman ang sugatan habang walang naiulat na nawawala.

Tinatayang 12,700 katao pa rin ang nananatili sa walong evacuation centers, habang halos 200 ang pansamantalang nakikitira sa mga kamag-anak o nasa labas ng bahay dahil sa takot sa mga aftershock.

Nasa 2,575 bahay ang nasira — 2,231 partially at 344 totally damaged — habang umaabot sa ₱1.26 milyon ang paunang tantiya sa pinsala sa imprastraktura, ayon sa OCD.

Nanawagan si Defense Secretary at NDRRMC Chairperson Gilberto Teodoro Jr. sa mga lokal na pamahalaan at ahensiya ng gobyerno na repasuhin at i-update ang kanilang contingency plans at magsagawa ng mas malawak na earthquake drills.

“It is important for every local government unit and agency to review their contingency plan to determine our capacity in terms of response mechanisms, what resources are available, and what gaps need to be addressed,” ani Castillo.

Dagdag pa niya, “Everyone must take part. It can’t be that only a few are trained. Everyone should know what to do in case an earthquake occurs.” RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here