Home NATIONWIDE DOH: Walang outbreak ng trangkaso o flu-like illnesses sa NCR

DOH: Walang outbreak ng trangkaso o flu-like illnesses sa NCR

353
0

MANILA, Philippines – Tiniyak ng Department of Health (DOH) nitong Martes na walang outbreak o epidemic ng influenza-like illnesses (ILI) sa National Capital Region.

Ayon kay Health Secretary Teodoro Herbosa, nasa 133,000 ang kasalukuyang kaso ng ILI sa bansa—na pasok pa sa inaasahang pagtaas tuwing flu season at hindi pa lumalagpas sa 135,000 kaso noong 2024.

“Yung ILI, maraming cause yan. Hindi yan isang virus… During the Ber months, this is our flu season. Talagang dumadami yan,” paliwanag ni Herbosa. Dagdag pa niya, may siyentipikong batayan bago ideklara ang isang outbreak.

Nilinaw ng kalihim na ang ILI ay tumutukoy sa iba’t ibang sakit na may parehong sintomas tulad ng ubo, sore throat, lagnat, at pananakit ng katawan—hindi tulad ng COVID-19 na iisang virus lamang ang sanhi.

“It cannot be based on anecdotal reports… It’s not an outbreak. It’s a seasonal flu,” ani Herbosa.

Ipinaliwanag din niya na ang ilang kanselasyon ng klase ay kaugnay ng inspeksyon sa mga gusali matapos ang mga nagdaang lindol, bagaman nakatutulong din ito sa paglilinis at pag-iwas sa sakit.

Payo ni Herbosa sa publiko: “Maghugas ng kamay, manatili sa bahay kung may sakit, at i-isolate ang may karamdaman. Pagsusuot ng mask ay makatutulong.”

Dagdag niya, “Walang outbreak ng sakit, no single virus… Talagang panahon lang talaga pagdating ng tag-ulan.” RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here