MANILA, Philippines – Umakyat na sa 58 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa lumubog MV Trisha Kerstin 3 sa Baluk-Baluk Island, Basilan.
Sa pinakahuling update, sinabi ng Philippine Coast Guard (PCG) na 293 naman ang bilang ng kabuuang survivor at mayroon pa ring 21 indibidwal na nanatiling nawawala.
Binibigyang-diin ng PCG na ang mga bilang na ito ay mula sa pinagsama-samang datos mula sa Philippine National Police-Scene of the Crime Operatives (PNP-SOCO), City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), Coast Guard District Southwestern Mindanao (CGDSWM), at mga apektadong pamilya na nakikipag-ugnayan sa mga otoridad upang mahanap ang kanilang mga mahal sa buhay.
Ngayong araw Pebrero 17, nagpapatuloy pa rin ang search and rescue at dive operations ng PCG technical team upang mahanap pa ang mga nawawalang mga pasahero o indibidwal. Jocelyn Tabangcura-Domenden