Home NATIONWIDE Pinadali, pinabilis na social services sa LGUs, inihain sa Kamara

Pinadali, pinabilis na social services sa LGUs, inihain sa Kamara

217
0

MANILA, Philippines – Ipinapanukala nina Solid North Party-list Rep. Ching Bernos at Abra Lone District Rep. JB Bernos ang House Bill No. 7465 para sa pagtatayo ng Accelerated Citizen-Centered Social Services (ACCESS) System sa lahat ng LGU.

Layunin nito na magkaroon ng isang access lamang para sa lahat ng social services, parehong sa pisikal na opisina at digital platform, upang mas madali at mabilis makakuha ng tulong ang mga mamamayan.

Sakop ng ACCESS ang serbisyo mula sa DSWD, PhilHealth, SSS, GSIS, Pag-IBIG Fund, DOLE, civil registration sa PSA, PhilID, at iba pang lokal na programa para sa senior citizens, PWDs, solo parents, scholars, at indigent residents.

Magbibigay ito ng standardized intake, referral, coordination, at tracking ng lahat ng aplikasyon at serbisyo.

Ayon kay Rep. Ching Bernos, “Through ACCESS, Filipinos can simply go to their respective LGUs to avail of social services that they need. Hindi na dapat pinahihirapan at kailangang tumalon pa sa iba’t ibang opisina ang mga mamamayan para malaman kung ano ang tulong na maaaring ibigay sa kanila ng pamahalaan.”

Binanggit naman ni Rep. JB Bernos ang kahalagahan ng simplifying government processes, lalo na sa social services, dahil sa agarang pangangailangan ng mga ito. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here