Home METRO 6 local holidays idineklara ni PBBM ngayong Pebrero, Marso

6 local holidays idineklara ni PBBM ngayong Pebrero, Marso

229
0

MANILA, Philippines – Nagdeklara si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng special non-working days sa anim na lugar para payagan ang mga residente na ganap na magpartisipa sa kani-kanilang lokal na pagdiriwang.

Sa katunayan, tinintahan ni Executive Secretary Ralph Recto ang Proclamation No. 1162, nito lamang Pebrero 9, na nagdedeklara sa Marso 20 bilang isang special non-working day sa City of San Fernando, La Union sa pagdiriwang sa founding anniversary nito.

Idineklara naman ang Marso 10 bilang special non-working day sa Tanauan City, Batangas sa pagdiriwang ng 25th cityhood anniversary, sa ilalim ng Proclamation No. 1164.

Idineklara rin ang kaparehong araw bilang special non-working day sa Norala, South Cotabato sa pagdiriwang ng founding anniversary nito, sa ilalim ng Proclamation No. 1165.

Sa ilalim naman ng Proclamation No. 1166, idineklara naman bilang special non-working day ang Marso 13. Ito’y sa pagdiriwang ng Begnas di Bauko Festival, isang thanksgiving celebration upang dakilain ang kanilang mga ninuno at kanilang Supreme Being, Kabunyan, para sa masagananng ani.

Sa kabilang dako, sa pamamagitan ng Proclamation No. 1167, idineklara ang Marso 18 bilang special non-working day sa buong lalawigan ng Masbate para sa kanilang 125th Founding Anniversary.

Ang mga Proclamations 1164, 1165, 1166 at 1167 ay nilagdaan naman ni Recto noong Pebrero. 11.

Ang pinakahuli, idineklara naman na special non-working day ang Marso 16, ang mga residente ng Aguilar, Pangasinan ay magdiriwang ng kanilang Ansakket Festival, gaya ng nakasaad sa Proclamation No. 1168 na nilagdaan noong Feb. 12.

Ang pagdiriwang ng Kapistahan ay naglalayon na ihayag ang kanilang pasasalamat sa Ama na Makapangyarihan para sa masaganang ani. Layon din nito na i-promote ang tanyag na delicacy sa nasabing bayan o keyk mula sa glutinous rice. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here