Home NATIONWIDE Jinggoy, 4 iba pa bawal umalis ng bansa; PHDO, inihain – Manila...

Jinggoy, 4 iba pa bawal umalis ng bansa; PHDO, inihain – Manila RTC

184
0

MANILA, Philippines – Naglabas ng precautionary hold departure order (PHDO) ang Manila Regional Trial Court (RTC) laban kay Senador Jinggoy Ejercito Estrada at apat niyang kasamang respondents kaugnay ng kasong plunder na nakabinbin sa Department of Justice (DOJ).

Ayon kay DOJ Spokesperson Prosecution Attorney Raphael Niccolo L. Martinez, natanggap niya ang impormasyon na noong Pebrero 10, 2026, naglabas ang Branch 52 ng RTC Manila ng precautionary hold departure order laban sa limang indibidwal.

Sa kautusan, ipinagkaloob ni Presiding Judge Juan G. Ranola Jr. ang petisyon ng panel of prosecutors na mag-isyu ng PHDO laban kina Estrada, dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan, dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo, DPWH Regional Director Gerard Opulencia, at dating DPWH Bulacan First District Engineer Henry Alcantara.

Sinabi ni Martinez na nakita ng korte ang “probable cause” na maaaring umalis ng bansa ang mga respondents upang umiwas sa pag-aresto.

Inatasan din ng korte ang commissioner ng Bureau of Immigration (BI) na pigilan ang pag-alis ng limang indibidwal at isama sila sa hold departure list.

Sina Estrada at ang kanyang apat na kasamang respondents ay nahaharap sa kasong plunder kaugnay ng flood control project na kasalukuyang sumasailalim sa preliminary investigation ng panel ng mga piskal ng DOJ.

Ipinaliwanag din ni Martinez na ang hold departure orders (HDOs) ay inilalabas ng korte kapag naisampa na ang kaso upang pigilan ang mga akusado na umalis ng bansa.

Kung ang kaso ay nasa preliminary investigation pa lamang at hindi pa naisusumite sa korte, maaaring hilingin ng mga piskal ang PHDO upang mapigilan ang mga respondents na makalabas ng bansa. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here