Home NATIONWIDE Bilang ng pasahero sa LRT2 sumampa sa 49M noong 2023  

Bilang ng pasahero sa LRT2 sumampa sa 49M noong 2023  

MANILA, Philippines- Nakita sa Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) ang mga senyales na nakareboker na ito sa passenger traffic sa pagkakatala noong 2023 ng pinakamataas na yearly ridership mula nang magkaroon ng pandemya.

Sa ulat, sinabi ng Light Rail Transit Authority (LRTA) na sumampa ang passenger volume sa 49,428,465 pasahero, na mas mataas sa 31,639,345 noong 2022, 11,842,954 noong 2021, at 502,315 noong 2020, kung saan nagpairal ng COVID-19 restrictions.

Samantala, inaasahan ng LRTA management ang pagtaas ng LRT-2 average daily ridership ngayong 2024 dahil karamihan sa mga paaralan at opisina ay nagbalik na sa full-time face-to-face work.

Para sa 2024, inaasahan ng LRT-2 na aabot sa 50 million ang bilang ng mananakay nito, 92.89 million sa 2025, at 98.69 million sa 2026. RNT/SA