Home NATIONWIDE DOH: COVID cases bumababa na kasunod ng pagtaas noong Kapaskuhan

DOH: COVID cases bumababa na kasunod ng pagtaas noong Kapaskuhan

MANILA, Philippines- Tumaas ang bilang ng COVID cases sa Pilipinas noong Kapaskuhan subalit bahagya nang bumababa, ayon sa Department of Health (DOH) nitong Huwebes.

Bumaba ang coronavirus caseload mula December 26 hanggang January 1, 2024, ng 10 porsyento sa  3,147 mula 3,507 infections na naitala sa panahon ng Christmas rush mula December 19 hanggang 25.

Sa mga bagong kaso, 40 o 1.28 porsyento lamang ang kritikal, dagdag ng departamento.

Mula December 12 hanggang 18, nakapagtala ang health authorities ng 2,725 bagong coronavirus cases — halos 50 porsyentong pagtaas mula sa mga nakalipas na linggo na 1,821 infections. 

Hanggang nitong January 3, mayroong 5,310 active coronavirus cases sa bansa, ayon sa DOH data.

Mayroon namang “low” transmission ng COVID at karaniwang mild lamang ang mga impeksyon, ayon sa sa DOH, na iniugnay ito sa “healthy behavior” ng mga Pilipini tulad ng pagsusuot ng face masks kapag kinakailangan.

Anang health department “critical cases are minimized because eight out of every ten eligible senior citizens are protected by a primary series” ng COVID vaccines. 

Halos 74 milyong Filipino na ang naturukan ng coronavirus shots.

Batay pa sa DOH data, makikita ang low utilization ng ICU beds para sa COVID-19 mula November hanggang December 2023 — sa 16 porsyentong pinakamataas — na mayroong 12-percent average.

Sa parehong period, itintuturing din na mababa ang ginamit na non-ICU beds para sa COVID sa 19 porsyentong peak, na may 17 porsyentong average.

Nakapagtala ang ahensya ng “consistently low percentage of severe and critical cases among hospital admissions, currently at 11%.”

Sa hiwalay na abiso, tiniyak ng DOH sa publiko na “there is no credible evidence or official announcement” sa umano’y surge ng COVID cases sa isang Metro Manila hospital.

“The Department of Health advises the public against a circulating message claiming a new COVID-19 wave in Metro Manila,” anang ahensya.

“The DOH urges the public to rely on information from reputable sources such as the agency and other official health organizations. Misinformation can contribute to unnecessary panic and fear,” patuloy nito. RNT/SA

Previous articleBilang ng pasahero sa LRT2 sumampa sa 49M noong 2023  
Next articleFirework-related injuries sumampa sa 585; pinakamataas mula 2017 – DOH