Home NATIONWIDE Firework-related injuries sumampa sa 585; pinakamataas mula 2017 – DOH

Firework-related injuries sumampa sa 585; pinakamataas mula 2017 – DOH

97
0

MANILA, Philippines- Dalawa pang biktima ng stray bullet ang iniulat ng Department of Health (DOH) sa kasagsagan ng pagdiriwang ng Bagong Taon.

Sinabi ng DOH na isa sa biktima ay isang 28 taong gulang na lalaki mula Metro Manila na nabali ang pangalawang daliri sa kaliwang paa.

Ang pangalawang kaso ay isang 60-anyos na lalaki mula Cordillera Administrative Region na nabali naman ang kaliwang collarbone.

Sa hiwalay na ulat nitong Miyerkules, sinabing isang 60-anyos na pari mula sa Baguio City ang nagtamo ng collarbone injury sa pagdiriwang ng New Year.

Samantala, umabot na sa tatlo ang kabuuang bilang ng stray bullet injuries sa DOH tally. Una nang iniulat ng Philippine National Police (PNP) na higit isang dosena na ang tinamaan ng ligaw na bala.

Sinabi naman ni DOH Assistant Secretary Albert Domingo na maaring mag-iba ang kanilang numero sa PNP dahil may validation process para matukoy ang dahilan ng injury.

“Sometimes kasi, the bullet injuries could actually be because of legitimate police operations. Ibig sabihin merong kriminal at authorized use of force, kinailangan gumamit ng baril,” ani Domingo.

Ayon sa DOH, mahigpit itong nakikipag-ugnayan sa PNP para sa lahat ng ulat ng stray bullet injuries.

Sa ngayon, mayroong 28 karagdagang kaso, 26 dito ay firework-related injuries at dalawang stray bullet injuries.

Dahil sa mga bagong kaso, umabot na sa 585 ang kabuuang bilang ng mga nasugatan.

Ang kasalukuyang numero na 585 ay ang pinakamatas simula noong 2017 kung saan mayroong 496 kasong naitala. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here