Home NATIONWIDE Malawakang brownout sa Western Visayas tatalupan ng Senado

Malawakang brownout sa Western Visayas tatalupan ng Senado

303
0
Umalis sa kani-kanilang tahanan ang Ilonggo residents sa ikalawang araw ng malawakang New Year blackout. Natulog sila sa mga bench o sa damuhan sa isang plaza upang ibsan ang init dahil sa kawalan ng kuryente. Puno rin ang mga hotel sa Iloilo City. Mga larawan mula kay Arnold Almacen/Iloilo City Mayor’s Office

MANILA, Philippines- Gustong paiimbestigahan ng Senado ang malawakang brownout sa ilang lalawigan sa Western Visayas sa nakatakdang ihahaing resolusyon upang igisa ang pamunuan ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) at Department of Energy (DOE).

Sa magkakahiwalay na pahayag, matinding binatikos nina Senador Raffy Tulfo, Grace Poe at Ronald Dela Rosa ang insidente na nagdulot ng malawakang brownout sa rehiyon kabilang ang lalawigan ng Iloilo at Iloilo City.

Ikinatuwiran ng NGCP na nagkaroon ng malawakang brownout dahil sa  unscheduled maintenance shutdowns at tripping multiple plants.

Iniimbestigahan ng Energy Regulatory Commission ang sanhi ng shutdowns, at nakatakdang makumpleto ang imbestigasyon sa loob ng dalawang buwan.

Sinabi nina Tulfo at Dela Rosa na nakatakda silang maghain ng magkahiwalay na resolusyon upang paiimbestigahan ang insidente upang matukoy kung sino ang papanagutin sa insidente.

Aniya, bilang Chairperson ng Senate Committee on Energy, lubos nitong ikinababahala ang kalbaryong dinaranas ng residente sa Panay na lubhang nakaapektuhan ang pamumuhay sanhi ng power outage.

“Kaya patuloy akong nakikipag-coordinate sa NGCP, Department of Energy, National Electrification Administration (NEA) at iba pang ahensya para ma-monitor ang pangyayari sa probinsya at mabigyan ng agarang solusyon ito,” ani Tulfo.

“Maghahain din ako ng Senate Resolution upang imbestigahan at mapanagot ang mga nasa likod ng hindi katanggap-tanggap na power outage na ito sa Panay island,” giit ng senador.

Lubhang ikinabahala naman ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang insidente na hindi na kaya pang tiisiin ng residente.

“This situation is no longer tolerable, and the Department of Energy and the National Grid Corporation of the Philippines must urgently address this issue before irreparable damage is done to our communities.”

“Hindi po ito magandang senyales lalo na’t sinasalubong natin ang bagong taon. Hindi po dapat abala at kahirapan ang hatid ng pamahalaan sa ating mga mamamayan sa pagpasok ng 2024,” ayon kay Zubiri.

Ani Zubiri, “sa ospital lamang, delikado ang kawalan ng kuryente. Paano yung mga nasa incubator, life-support o yung kailangang mag-dialysis sa araw na walang kuryente? Habang tumatagal ang power outages, nalalagay sa peligro ang ating mga kababayan.”

“Kung kailangang imbestigahan natin ito, gagawin natin para malutas ang puno’t dulo ng problema,” dagdag pa ng senador.

Sa abiso nitong Huwebes, iniulat ng NGCP na naghahatid ng tumatakbong Panay power plants ng mahigit 231.9 megawats (MW) habang mayroong 9.6 MW naman ang nangagaling sa labas ng lalawigan.

Ayon sa NGCP, kailangan ng grid ng 300 MW upang mapanatili ang supply at hinihintay pa nito ang pagkakabit pabalik ng grid sa Palm Concepcion Power Corporation plant (135 MW).

“They (Department of Energy and NGCP) should get their acts together immediately. We demand transparency in identifying the root causes of these outages and a comprehensive plan of action to resolve them,” wika ni Zubiri.

Matinding binatikos naman ni Poe ang kinauukulang ahensya sa “hindi katanggap-tanggap na nangangapa na naman sa dilim ang ating kababayan sa Panay Island.”

“Kawawa ang mga nasa bahay, mga estudyante, negosyo at maging ang operasyon ng lokal na pamahalaan,” ani Poe.

Sinabi ni Poe na dapat magkaisa ang kinauukulang ahensya at pribadong kompanya na makahanap ng pamamaraan upang maibalik ang suplay ng kuryente sa Panay Island sa lalong madaling panahon.

“The blackout that happened in April last year in the island provinces should have been an eye opener for the NGCP and power utilities. They should have been better prepared for any system disturbance and avert such with efficient planning and utilization of resources,” aniya.

“Dapat may managot sa panibagong blackout na ito na nagpapahirap sa mga tao,” dagdag ni Poe.

Kasabay nito, inihayag naman ni Iloilo City mayor Jerry Treñas na maibabalik ang suplay ng kuryente sa Biyernes. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here