MANILA, Philippines – Tumaas sa 2.16 milyon ang bilang ng mga walang trabaho o mga Pinoy na tambay sa bansa noong Enero 2025, kasunod ng pagbaba ng pangangailangan sa trabaho matapos ang kapaskuhan, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Mas mataas ito kumpara sa 1.63 milyong walang trabaho noong Disyembre 2024.
Umakyat ang unemployment rate sa 4.3% ng kabuuang 50.65 milyong nasa labor force, mula sa 3.1% noong nakaraang buwan.
Ayon kay PSA Deputy National Statistician Divina Gracia del Prado, dulot ito ng pagbabago sa seasonal employment. Santi Celario