Home NATIONWIDE Bilang ng road accidents noong holiday season umakyat sa 577

Bilang ng road accidents noong holiday season umakyat sa 577

MANILA, Philippines- Tumaas ang bilang ng mga aksidente sa kalsada mula Disyembre 22, 2024 hanggang Enero 2 ng kasalukuyang taon sa 577, ayon sa Department of Health (DOH).

Sinabi ng ahensya nitong Huwebes na mas mataas ito ng 33.5 porsyento kumpara sa parehong period noong 2023.

Sa ulat, sinabi ng DOH na sangkot sa mga kasong ito ang 500 indibidwal na hindi gumamit ng safety accessories habang nagmamaneho, 415 motorcycle accidents, at 108 indibidwal na naiulat na nakainom ng alak.

Nananatili naman ang bilang ng mga nasawing indibidwal dahil sa insidente sa anim, apat sa mga ito ay dahil sa motorcycle accidents. RNT/SA