Home ENTERTAINMENT Ogie, may panawagan sa MMDA!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Ogie, may panawagan sa MMDA!January 2, 2025 15:04 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines- May kahabaan ang post ng talent manager cum vlogger na si Ogie Diaz sa kanyang Facebook account.May kinalaman ito sa kanyang masidhing panawagan sa MMDA.Ang naturang ahensya ang in charge sa MMFF sa pakikipagtulungan sa ibang mga organisasyon sa entertainment industry.Isinapubliko ni Ogie ang kanyang apela lalo na habang nasa puwesto si Pangulong Bongbong Marcos.For two consecutive years now ay ginawang sampu na ang opisyal na kalahok ng MMFF.Bagama’t walang itulak-kabigin kung kalidad ng mga entries ang pag-uusapan, not all 10 stand to experience the same fate at the box office.May ilan lang kasi sa sampu ang kumikita nang malakas, ang iba’y maaaring break even o baka nga lugi pa.Tulad na lang ng mga kalahok nitong 2024, ang nangunguna sa sampung MMFF entries ay ang And The Breadwinner Is.Pumapangalawa ang The Kingdom.Sinasabing malakas lang ang mga ito sa opening day–noong mismong araw ng Kapaskuhan.Pero nang mga sumunod na araw ay pakonti na raw nang pakonti ang mga nanonood.Kung ganito ang figures, paano na lang ang ibang mga kasabay ng mga ito?Umaapela si Ogie na ibalilk sa anim hanggang walo ang mga entries para magkaroon ng pantay-pantay na tsansa sa takilya ang lahat ng entries.Hindi rin kasi mapapasubalian ang mga kalaban ng commercial theatres na Netflix, Viu, Prime Video at higit sa lahat, ang laganap na pamimirata.Hanggang 2028 pa ang termino ni PBMM, mai-implement kaya ang pagbabawas sa mga MMFF entries sa darating na taon? Ronnie Carrasco III