Home NATIONWIDE Bilis Kilos Action Center, inilunsad sa loob ng Manila City Hall

Bilis Kilos Action Center, inilunsad sa loob ng Manila City Hall

294
0

MANILA, Philippines – INILUNSAD ni Manila Manila Mayor Isko Moreno Domagoso ang “Bilis Kilos Action Center” (BKAC) nitong Miyerkules ng hapon sa Manila City Hall, na ang layon ay upang mapabilis ang pagtugon ng pamahalaang lungsod sa mga reklamo, puna, sumbong, at alalahanin ng mga mamamayan partikular na ang mga Manileño.

Ang BKAC office ay pamamahalaanan ng Office of the Secretary to the Mayor na pinamumunuan ni Secretary Manuel “Letlet” Zarcal sa ilalim ng pangangasiwa ng City Development Information Services (CIDS) ni Chief Anita “Annie” Tubera at may technical support mula sa Electronic Data Processing Services ni Chief Fortunato Palileo ng Office of the Mayor.

Nabatid na ang BKAC ay itinatag sa ilalim ng Executive Order 74, Series of 2025 na bagong bersiyon ng orihinal na Online Complaint Desk, na inilunsad ng alkalde sa unang termino ng kanyang panunungkulan noong 2019.

“This is about making government more accessible to the people. Para pagpasok pa lang nila sa City Hall, may makakausap na agad. Hindi na sila maliligaw,” ayon kay Yorme.

“Para maramdaman ng mamamayan na mahalaga sila at seryoso ang gobyerno sa pakikinig at pagtugon sa kanilang concerns,” dagdag pa ng alkalde.

Maaaring maghain ng kanilang personal na reklamo, puna, alalahanin, at iba pa ang mamamayan sa BKAC na nasa entrance ng Manila City Hall sa harap ng SM City Manila o puwede rin sa pamamagitan ng QR codes at Google Forms o direktiang magtungo sa tanggapan nito sa ika-apat na palapag ng city hall malapit sa Manila Clock Tower Museum. JAY Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here