MANILA, Philippines – Nasayang ang hindi bababa sa isang bilyong pisong pondo ng Commission on Elections (Comelec) matapos ideklara ng Korte Suprema na unconstitutional ang dalawang batas para sa districting law at ipagpaliban ang eleksyon sa 2026.
Dahil dito, problemado ngayon ang Comelec dahil P2.7 bilyon ang kinakailangan nilang gastusin para sa eleksyon, at 65% nito ay nakalaan pambayad sa mga gurong magsisilbing electoral board members.
Ayon kay Comelec Chairman Erwin George Garcia, kalahating milyon dito ang inilaan para sa pag-imprenta ng 2.3 milyong balota na dapat sana ay nakumpleto na.
Ani Garcia, nabalewala lamang ito bukod pa sa procurement ng iba pang election paraphernalia.
Ipinaliwanag ni Garcia na ang mga makina ay nirenta ng Comelec para sana sa Okt.13 Bangsamoro Parliamentary elections.
“Ibig pong sabihin, mangyari man o hindi ang eleksyon, babayaran pa rin natin,” sabi ni Garcia.
Nakatengga ngayon ang mga paghahanda ng Comelec dahil kailangan munang hintayin ang ipapasang batas ng Bangsamoro government na siyang pagbabasehan ng nasabing election. Jocelyn Tabangcura-Domenden