Home METRO Binata, nalunod sa creek sa Caloocan

Binata, nalunod sa creek sa Caloocan

284
0

CALOOCAN CITY, Philippines – Kinumpirma ng mga awtoridad na ang naaagnas na bangkay na natagpuan noong Disyembre 1 sa creek sa Barangay 171, Bagumbong, Caloocan City ay ang 20-anyos na si Arjay Rojas, na matagal nang nawawala.

Ayon sa pamilya, huling nakita si Rojas noong Nobyembre 29 habang nakikipaglaro at naliligo kasama ang ibang bata sa kalapit na Barangay 176B.

Nagpaalam umano siya sa kanyang pamilya na pupunta sa bahay ng nobya, ngunit nayaya ng ibang bata na tumalon sa creek.

Ani Arlene Galvez, kapatid ng biktima, naghanap sila ng dalawang araw sa nasasakupan ng barangay hanggang umabot pa sa Bulacan.

Ayon kay Kris Angeli Gallano, Barangay Public Safety Officer ng Bgy. 176B, hindi pamilyar ang biktima sa lugar, kaya mabilis siyang tinangay ng malakas na agos ng tubig kahit sinubukan ng ilang residente na iligtas siya.

Nakaburol na sa bahay ng pamilya ang abo ng biktima.

Nagpaalala ang barangay sa publiko na laging isaalang-alang ang kaligtasan bago maligo sa creek. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here