Bulacan – Sumisigaw ng hustisya ang mga nagmamahal sa 21-anyos na binatang napagtripang pagsasaksakin ng rice mill boy sa kanto sa isang pabahay sa bayan ng Bocaue.
Kinilala ang kalunos-lunos na biktima na si Charles Bartolome habang ang suspek na nakatakas ay nagngangalang Jannel Outojan, 38, rice mill employee, residente ng Brgy. Batia.
Ayon sa Facebook post ng kaanak na nag-viral, nasaksak at napatay ang biktima nitong January 24 sa nabanggit na lugar
Base sa mga comment, pinagtanggol lamang ng biktima ang kanyang pinsan subalit siya ang pinagtripang saksakin ng suspek na tumakas sa lugar.
Sinasabing nadala pa ang biktima sa ospital para sa paunang lunas subalit binawian din ng buhay kalaunan.
Dahil dito, humingi ng dasal at tulong ang mga kaanak at mga kaibigan sa mga awtoridad na mahuli ang suspek para mabigyan ng hustisya ang maagang paglisan ng biktimang kilalang mabait at maraming magandang pangarap sa buhay. (Dick Mirasol III)