MANILA, Philippines – Isang 18-anyos na binataang namatay makaraang tumalon sa isang talon at hindi na muling nakaahon sa Trece Martires City, Cavite, Sabado ng hapon, Abril 11.
Ayon sa report, naisugod pa sa General Emilio Aguinaldo Hospital ang biktimang si alyas Joel, Senior High School graduate at residente ng Brgy Hugo, ng nasabing lungsod, subalit hindi na ito umabot nang buhay sa pagamutan.
Batay sa kaibigan ng biktima na si alyas Apollo, bandang alas-4:30 kamakalawa ng hapon aynaisipan nilang maligo sa Mina Falls sa Brgy Cabezas, ng nasabing lugar dahil sa tindi ng init ng panahon.
Ilang saglit pa lang sila nang nakakarating nang bigla na lamang tumalon ang biktima hanggang lumubog at hindi na ito lumutang.
Dito na humingi ng tulong si alyas Apollo sa barangay kung saan bandang alas-7:30 ng gabi nang natagpuan ang katawan nito wala ng buhay at palutang-lutang sa naturang ilog. MARGIE BAUTISTA