Home NATIONWIDE PBBM, First Lady nag-dinner date sa gitna ng tsismis sa kalusugan ng...

PBBM, First Lady nag-dinner date sa gitna ng tsismis sa kalusugan ng Pangulo

129
0

MANILA, Philippines – NAG-DINNER DATE sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Unang Ginang Liza Araneta Marcos, araw ng Sabado sa gitna ng tsismis ukol sa masamang kalusugan ng una.

Ang First Couple ay nag-dinner date sa Finestra Restaurant sa Solaire Resort Entertainment City sa Parañaque na makikita sa kani-kanilang post.

“Took Liza out for a quiet dinner, just a bit of time away from the day. Along the way, we met a mother and daughter who came over for a quick hello and a short chat. Nice reminder of why the work we do matters. Finestra @ Solaire | 11 April 2026,” ang sabi ni Pangulong Marcos sa kanyang post sa Facebook.

Ang First Lady ay nag-post naman ng kapsyon sa kanyang Facebook na: “Sometimes it’s just nice to slow down and enjoy each other’s company. No noise. Just us. Finestra @ Solaire / 11 April 2026.”

Nauna rito, tiniyak ni Pangulong Marcos sa publiko na maayos ang kaniyan g kalusugan sa kabila ng mga espekulasyon na naglalabasan sa social media na may karamdaman siya.

Tungkol sa mga espekulasyon sa social media post na may sakit siya, sabi ng Pangulo sa isang video interview sa kanya ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, “Huwag niyo pong masyadong sineseryoso, ano ba naman ang social media, palabiro ‘yan eh. Wala po tayong problema.”

Idinagdag ni Marcos na bumalik na siya sa kaniyang regular routine sa nakalipas na tatlong buwan, at laki siyang handa na magtrabaho.

Sinabi rin ng pangulo na walang pagkain na bawal sa kaniya pero mayroon lang mga pinaiiwasan gaya ng mga mamantikang pagkain. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here