Manila, Philippines – Hindi napigilang kumawala ang emosyon ni Heart Evangelista nang
mapag-usapan–sa kanyang guesting sa Fast Talk with Boy Abunda ang tungkol sa pagtulong niya kay Ate Gay.
Tulad ng alam ng marami, nasuring may Stage 4 cancer ang standup comedian.
In his earlier guesting on Fast Talk, nabanggit ni Ate Gay na isa si Heart sa mga hindi nagkait ng tulong sa kanya.
May monthly allowance na natatanggap ang komedyante mula sa Kapuso actress.
Laking gulat ni Heart sa rebelasyon ni Ate Gay: “Actually, nagulat ako na binanggit niya kasi we’ve never met.
Never kami nag-usap…ang kausap niya was my assistant.”
Pagkatapos daw niyon ay kinausap siya ni Ate Gay.
Minabuting huwag na lang daw ipagmakaingay ni Heart ang ginawa niyang pagtulong–magkakakulay lang daw.
“My points in heaven are far more important. Life is too short,” ani Heart na tumulong din sa isang utility staff ng dati niyang hino-host na show sa GMA, ang Startalk.
Pinagawan pala ni Heart ng pustiso ang naturang staff.
Heart is right, nasa heaven ang rewards ng kanyang kabutihan. Ronnie Carrasco III