Bulacan – Arestado ang binata na umanoy nagsarili sa harap ng dalagita sa loob ng pampasaherong jeep sa lungsod San Jose Del Monte (SJDM).
Kinilala ang suspek na si alyas Charl, 25, single crew, residente ng Brgy. San Pedro habang itago sa pangalang Maris ang 17 anyos na biktimang grade 12 student ng Brgy. Lawang Pari.
Sa report ng SJDM police station, nangyari ang insidente bandang 7:45 ng umaga nitong January 14 habang nakasakay sa loob ng pampasaherong jeep na bumabagtas sa kahabaan ng Brgy. San Pedro.
Ayon sa imbestigasyon, napansin ng biktima na titig na titig sa kanya ang suspek hanggang inilabas ang pagkalalaki at nag-masterbate sa kanyang harapan.
Dahil dito, pumara ang biktima at dali-daling nagsumbong sa mga taga- barangay na agad rumesponde sa lugar kaya nahuli ang suspek.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 11313 Safe Spaces Act at RA 7610. (Dick Mirasol III)