Home NATIONWIDE Binatang namitas ng talbos ng gulay tinaga ng magsasaka

Binatang namitas ng talbos ng gulay tinaga ng magsasaka

212
0

KASIBU, Nueva Vizcaya – Kasalukuyan nakikipaglaban kay kamatayan ang binatang biktima na namimitas ng talbos ng gulay matapos pagtatagain ng isang magsasaka sa Sitio Mabo, Brgy. Biyoy, Kasibu, Nueva Vizcaya.

Ang biktima na si alyas Armando, 25 anyos, habang ang suspek ay si Jerry, 29 anyos na kapwa binata at magsasaka na residente ng Sitio Mabu, Brgy. Biyoy, Kasibu, Nueva Vizcaya.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na ang biktima ay namitas lamang ng mga tangkay at talbos ng gulay sa isang magubat na bahagi ng bukid na pagmamay-ari ng suspek na walang pahintulot.

Kung kayat nagalit ang suspek at agad nitong pinuntahan ang biktima sa tirahan nito at bigla na lamang walang sabi-sabing tinaga ang kaliwang balikat sa likurang bahagi ng katawan ng biktima.

Matapos maisagawa ng suspek ang pananaga nito sa biktima ay mabilis na tumakas ito patungo sa masukal na lugar ng nabanggit na kagubatan.

Agad namang isinugod ang duguang biktima ng kanyang kamag-anak sa Mangandingay District Hospital, Cabarroguis, Quirino para sa kaukulang gamutan.

Agad nagsagawa ng hot pursuit operation ang mga otoridad. Rey Velasco

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here