Home METRO 2 menor de edad, 1 pa rapist arestado sa Cagayan

2 menor de edad, 1 pa rapist arestado sa Cagayan

196
0

SANTA ANA, Cagayan – Magkasunod na inaresto ng pulisya ng Sta. Ana at Aparri, Cagayan ang mga akusadong estudyante at isa pang mister na may parehas na kasong panggagahasa.

Isinilbi sa dalawa ang warrant of arrest na inisyu ni Aparri RTC Branch 6 Judge
Neljoe Cortez na nahaharap sina Bembong at Bong sa kasong Statutory Rape na isinampa sa sala ng nabanggit na hukom.

Pagkatapos ng kaukulang dokumentasyon at fingerprinting, dinala ang dalawa sa tanggapan ng MSWDO Sta. Ana para sa pansamantalang custody dahil sa kanilang pagiging menor de edad.

Walang itinakdang piyansa ang korte para sa pansamantalang kalayaan ng dalawa.

Samantala, sa loob ng BJMP sa Minanga, Aparri, isinilbi ng mga tauhan ng Lal-lo Police Station kay Alyas Carlo, 28 anyos ang warrant of arrest na inisyu ni RTC Branch 8 Judge Nicanor Pascual Jr.

Nahaharap si Alyas Carlo sa kasong 8 counts Statutory Rape. Walang itinakdang piyansa ang korte para sa pansamantalang kalayaan ng akusado. REY VELASCO

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here