Home METRO 3 timbog sa P2.38M halaga ng illegal na droga

3 timbog sa P2.38M halaga ng illegal na droga

235
0

MANILA, Philippines – Nagsagawa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng Municipal Drug Enforcement Team ng Tanay Municipal Police Station kasama ang PDEA sa Manila East Road, Brgy Tandang Kutyo, Tanay, Rizal.

Kasunod nito ay nakumpiska ng mga awtoridad ang tatlong piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu at tatlong piraso ng knot-tie transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may tinatayang timbang na 350 gramo at nagkakahalaga ng P2,380,000.

Nakuha ang shabu sa suspek na kinilalang sina alyas Bachicha, Gimo at Dagul na pawang mga nasa hustong gulang at residente ng nasabing lugar.

Nakuha rin sa mga suspek ang tatlong piraso ng P1000.00 na may ginamit na buy-bust money, pitong piraso ng P1,000 boodle money, 10 piraso ng P100 bill na narekober na pera, isang unit ng cellphone, isang unit ng single na Black Bearing 7, Honda Beat na motorsiklo.

Ang mga nakuhang ebidensya ay dinala sa Crime Laboratory Office kasama ang mga naarestong suspek para sa kaukulang dokumentasyon. Maritess Pumaras

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here