Home METRO Binatilyo, arestado sa pagnanakaw, sextortion sa Catbalogan

Binatilyo, arestado sa pagnanakaw, sextortion sa Catbalogan

257
0

SAMAR, Philippines – Arestado ang isang 19-anyos na lalaki dahil sa pagnanakaw at sextortion sa Barangay 7, Catbalogan City, Samar, noong Huwebes, Setyembre 4, 2025, ito ay matapos na mag sampa ng reklamo ang isang estudyanteng umano’y ninakawan nito ng cellphone noong nakaraang buwan.

Ayon sa ulat mula sa Catbalogan City Police Station (CPS), ang biktima na kinilalang si alyas “Shay,” 22-anyos, mula sa Barangay Canlapwas, ay nawalang ng cellphone noong Agosto 16, kalaunan ay nadiskubre niya ang kanyang cellphone ay nasa suspek na si alyas “Jordan,” mula din sa Barangay Canlapwas.

Sinabi ng pulisya na nakipag-ugnayan ang suspek sa biktima online at humingi umano ng pabor na makipag-sex kapalit ng pagbabalik ng cellphone.

Agad na humingi ng tulong ang biktima sa isang testigo, at magkasama silang nakipag-kita sa suspek para mabawi ang cellphone nito. Nang magkipagkita ang dalawa sa suspek, dumating ang mga tauhan ng pulis na nagpapatrolya, at naaresto ang suspek.

Pinuri ni Police Regional Office 8 director Brig. Gen. Jason Capoy ang Catbalogan CPS sa kanilang mabilis na pagkilos.

“The swift response by the Catbalogan CPS is proof that police presence in the community is of great help during similar incidents. Their conduct of mobile patrolling confirms that our police officers are effective in deterring crime and keeping our region safe,” aniya.

Nakakulong ngayon ang suspek sa Catbalogan CPS at nahaharap sa kasong kriminal para sa pagnanakaw at sextortion. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here