Home METRO Binatilyo inanod ng baha, utas

Binatilyo inanod ng baha, utas

MANILA, Philippines – Isang batang lalaki ang natagpuang patay matapos matangay ng baha sa Tumahubong River sa Sumisip, Basilan.

Patuloy naman ang paghahanap ng mga rescuers sa isang 11-taong-gulang na batang babae na nalunod sa isang ilog sa Lamitan, Basilan.

Pinag-iingat ang mga residente laban sa posibleng flash flood at landslide dahil sa malakas na ulan dulot ng Hanging Habagat. RNT