MANILA, Philippines – Pinaalalahanan ng PhilHealth ang publiko na gamitin ang kanilang rabies benefit package dahil sa mga kaso ng kagat ng hayop at pag-aalala sa rabies.
Ang package na nagkakahalaga ng PHP5,850 ay sumasaklaw sa bakuna laban sa rabies, immune globulin, pangangalaga sa sugat, paggamot sa tetanus, antibiotics, at mga gamit medikal.
Makukuha ito sa mga Animal Bite Treatment Centers at mga akreditadong pasilidad.
Bagaman bumaba ng 32% ang kaso ng rabies ngayong taon, nanawagan ang Department of Health ng patuloy na pag-iingat dahil sa 100% na fatality rate ng rabies.
Hinihikayat ang mga may alagang aso at pusa na ipaabakuna ang kanilang mga hayop, na may libreng anti-rabies shots mula sa mga lokal na pamahalaan. Santi Celario