MANILA, Philippines – Pinatalsik ng Kabataan Party-list ang isa nilang kasapi na inakusahan ng sekswal na pang-aabuso matapos matukoy ng kanilang imbestigasyon na may sapat na dahilan.
Kinondena ng partido ang lahat ng uri ng karahasan at pinagtibay ang suporta sa biktima.
“Kabataan Partylist affirms its commitment to justice, accountability, and care in light of a concluded sexual misconduct case involving one of our own. The perpetrator has been expelled, and concrete actions have been taken to support the survivor and improve our systems,” ayon sa organisasyon.
Sinabi ni Julius Cantiga, pambansang presidente ng party-list, noong Huwebes na iniimbestigahan na ng kanilang grupo ang umano’y panggagahasa ng isang miyembro.
Lumitaw ang isyu matapos mag-post sa social media ang isang babae mula sa party-list tungkol sa pang-aabuso at pagbibintang na hindi tinugunan ng organisasyon ang kanyang mga hinaing.
Sinuspinde muna ang inakusahan habang iniimbestigahan, at nagpapabuti ang partido ng mga patakaran ukol sa disiplina, suporta sa biktima, at pagsasanay sa gender sensitivity.
Humingi ng paumanhin ang Kabataan sa mga pagkukulang at nananatiling nakatuon sa pagbuo ng mas ligtas at responsable na organisasyon. RNT