Home METRO Binatilyo natagpuang patay sa ilog sa CDO

Binatilyo natagpuang patay sa ilog sa CDO

315
0

CAGAYAN DE ORO, Philippines – Natagpuang patay sa isang ilog sa Cagayan de Oro City ang isang 15-anyos na lalaki na ilang araw nang nawawala. Naghihinala ang pamilya na maaaring may foul play sa pagkamatay nito.

Ayon sa ulat, hindi nakauwi ang binatilyo noong Miyerkules. Tinawagan pa niya ang ina niya noong hapon at sinabi na naghihintay siya ng masasakyang motorsiklo pauwi, pero hindi na siya nakarating sa bahay.

Walang natagpuang cellphone, bag, at pitaka ng biktima sa lugar.

Sinabi ng Philippine Coast Guard na nakatanggap sila ng ulat noong gabi ng Miyerkules tungkol sa posibleng nahulog sa ilog ang bata, kaya nagsagawa sila ng search and retrieval operations.

Ang Macasandig Bantay Dagat ang nakakita sa katawan kaninang umaga.

Magsasagawa ng imbestigasyon ang Cagayan de Oro City Police Office (COCPO) sa insidente. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here