Home METRO Binatilyo natusta sa sunog

Binatilyo natusta sa sunog

CEBU CITY- MISTULANG nalitson ng buhay ang 13-anyos na binatilyo matapos ma-trap sa loob ng kanilang bahay na nasunog, kahapon ng madaling-araw, Enero 5 sa lungsod na ito.

Kinilala ang biktimang si Wrenchford Cahan, residente ng Sitio Lower Galile, Barangay Duljo Fatima, Cebu City.

Ayon kay FO3 Fulbert Navarro, fire investigator ng Bureau of Fire Protection Cebu City, bandang 3:25 AM noong Linggo ng umaga naganap ang sunog na nagsimula sa bahay ng isang Marites Ybañez sa naturang lugar.

Naapula ang sunog dakong 4:23 AM at tuluyan naabo ang 20 kabahayan habang 5 ang bahagyang nasira.

Inaalam na ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog na umabot sa P90,000.00 halaga ng ari-arian ang napinsala. Mary Anne Sapico