Home METRO Ex-convict todas sa onsehan sa droga

Ex-convict todas sa onsehan sa droga

CEBU CITY- TODAS ang isang ex-convict matapos pagbabarilin ng kapwa ex-convict dahil umano sa onsehan sa iligal na droga, kahapon, Enero 5 sa lungsod na ito.

Kinilala ang nasawi na si Roell Capablanca Chua alyas “Ikong”, 33 anyos, residente ng Barangay Basak San Nicolas, Cebu City.

Tugis naman ang suspek na si Giovanni Aniscal Gabor alyas “Jojo” at nagpapakilala din isang “Ramil Abellar”, 42 anyos, taga Alaska Proper, Brgy., Mambaling Cebu City.

Batay sa report ng Mambaling Police Station, bandang 1:10 PM nang maganap ang insidente sa Sitio Jansen, barangay Basak San Nicolas, ng nasabing lungsod.

Lumabas sa paunang imbestigasyon ng pulisya, nagkaroon ng pagtatalo ang dalawa hinggil sa umano’y bayaran ng iligal na droga na nauwi sa mainitang pagtatalo.

Dito, bumunot ng baril ang suspek at binaril ang biktima na tinamaan sa iba’t ibang parte ng katawan.

Matapos ang krimen mabilis na tumakas ang suspek sa hindi malamang direksyon habang dinala naman sa ospital ang biktima subalit nalagutan din ito ng hininga habag nilalapatan ng lunas.

Nabatid na kapwa dating preso ang dalawa dahil sa kasong may kinalaman sa iligal na droga.

Nagpapatuloy naman ang ginagawang imbestigasyon ng pulisya naturang krimen. Mary Anne Sapico