MEXICO – Pito ang katao ang nasawi sa pamamaril sa isang bar sa southeastern Mexico.
Kasabay nito ay mayroong limang nasugatan.
Agad na inilunsad ang manhunt sa mga suspek sa pamamaril nitong Sabado ng gabi, Enero 4, sa Villahermosa, sa Tabasco state.
“Analysis of video surveillance cameras is being carried out and elements of the state and federal authorities have deployed coordinated patrols to locate and arrest those responsible,” saad sa pahayag ng secretariat ng security and civilian protection.
Ayon sa local media, nagpaulan ng bala ng baril ang mga hindi pa tukoy na gunman sa La Casita Azul, isang bar, dahilan para humandusay sa kalsada ang mga duguang katawan ng tao.
Sa mga nagdaang buwan ay tumaas ang insidente ng karahasan sa Tabasco.
Noong Nobyembre ay anim ang nasawi at 10 ang sugatan sa isa ring armed attack sa bar sa Villahermosa.
Ito ay dalawang linggo matapos ang pag-atake sa isa pang bar sa Queretaro na nag-iwan ng 10 nasawi. RNT/JGC