Home NATIONWIDE Airport sa Jeju Air crash sa SoKor, sarado pa rin

Airport sa Jeju Air crash sa SoKor, sarado pa rin

SOUTH KOREA – Pinalawig ng mga awtoridad sa South Korea ang pagsasara ng Muan International Airport, ang paliparan kung saan bumagsak ang eroplano ng Jeju Air na kumitil sa buhay ng 179 katao.

Sa kasalukuyan ay iniimbestigahan pa rin ng mga awtoridad ang sanhi ng pagbagsak ng eroplano noong Disyembre 29 sangkot ang Jeju Air flight 2216 mula Thailand sakay ang 181 pasahero at crew.

Pinalawig hanggang sa Enero 14 ang pagsasara ng Muan International Airport, ayon sa ministry of land.

Hindi naman tinukoy ng ministry ang dahilan ngunit sinabi sa briefing noong nakaraang linggo ni deputy minister for civil aviation Joo Jong-wan na “if the investigation gets longer, the period (of closure) is susceptible to change.”

Naibalik na sa kani-kanilang pamilya ang labi ng 179 nasawi.

“Today, the process of handing over the victims to families is expected to be completed,” ani acting interior minister Ko Ki-dong.

Sinusuyod ng mga imbestigador ng South Korea at US, kabilang ang manufacturer ng eroplano na Boeing, ang crash site sa southwestern Muan mula nang mangyari ang trahedya.

Hindi pa tukoy ang eksaktong dahilan ng pagbagsak ng eroplano, ngunit ipinunto ng mga imbestigador na ito ay posibleng dahil sa bird strike, faulty landing gear o runway barrier. RNT/JGC