Home NATIONWIDE Bagong transfer system sa mga presong Pinoy abroad, ipinanawagan

Bagong transfer system sa mga presong Pinoy abroad, ipinanawagan

MANILA, Philippines – Dapat bumuo ng bagong prisoner transfer system ang pamahalaan para sa mga Filipino na nasa piitan sa ibang bansa.

Ani House Minority Leader Marcelino Libanan, mas mainam umanong tapusin ng mga ito ang sentensya sa sariling bayan.

Sa pahayag ni Libanan, hinikayat nito ang Department of Foreign Affairs (DFA), Department of Migrant Workers (DMW), at Department of Justice (DOJ) na magsanib-pwersa sa bagong programa na gawing modelo ang sistemang ipinatutupad ng Estados Unidos.

“We need a program that will facilitate the transfer of Filipinos convicted of crimes and incarcerated in other countries so that they can serve the remainder of their sentences here at home, closer to their families,” sinabi ni Libanan.

“There’s no question that bringing Filipino offenders closer to their loved ones will be more conducive to their rehabilitation,” dagdag pa niya.

Ipinanukala ni Libanan ang hakbang kasabay ng drug case ni overseas Filipino worker (OFW) Mary Jane Veloso na napauwi na sa Pilipinas noong Disyembre 18, 2024, matapos ang 14 taong pagkabilanggo at pagkakalagay sa death row sa kulungan sa Indonesia.

Samantala, ibinahagi ni Libanan na sa datos ng DMW ay mayroong 1,254 na Filipino ang convicted sa iba’t ibang paglabag at mga nakakulong sa iba’t ibang bansa sa Asia-Pacific, Europe, at Middle East.

“In the United States, their international prisoner transfer program is administered by their Department of Justice’s International Prisoner Transfer Unit, while their Department of State, which is equivalent to our DFA, is the chief negotiator of all prisoner transfer treaties,” anang mambabatas. RNT/JGC