Home ENTERTAINMENT Binigay na P1K ni Jojo Mendrez, sinoli!

Binigay na P1K ni Jojo Mendrez, sinoli!

Manila, Philippines — Viral ngayon ang isang short video na kuha sa promo rounds ni Jojo Mendrez sa isang mall.

Eksena ‘yon sa escalator ng mall — pababa ang binansagang Revival King.

Just as he was descending, paakyat naman ang isang babaeng mallgoer.

Sinadya talaga ng singer na magpang-abot sila ng babae.

Bago rito, nagbibilang na si Jojo ng mga P1,000 bills — obvious na iaabot niya ito sa mallgoer.

Nang magpantapat sila sa escalator, sabay abot ni Jojo ng pera — at hindi lang isang P1,000 bill!

Natural na ikinagulat ‘yon ng babae.

Pero sa halip na tanggapin ang grasya at magpasalamat, dali-dali niyang ibinalik ang perang lumanding sa kanyang palad.

At hindi pa roon natapos ang video.

Maririnig kasi ang babae na hinarap si Jojo, sabay sabing: “I don’t need that!”

Catatonic o tulala si Jojo!

Nang makababa, lumapit si Jojo sa taong kumukuha ng video — apparently embarrassed — at sabing, “Isinoli ‘yung pera…”

Kung hindi kami nagkakamali, bahagi ‘yon ng promo gimmick ni Jojo para isulong ang kanyang single.

Ang kaso, natiyempo siya sa isang mallgoer na obvious na hindi siya kilala — o ‘di kailangan ng palangis niya! Ronni Carrasco