Home ENTERTAINMENT Binoe, out sa serye; Ronnie, pasok!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Binoe, out sa serye; Ronnie, pasok!December 20, 2024 12:09 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – May dapat ipagpasalamat si Ronnie Ricketts kay Senator Robin Padilla.If it were not for Robin’s recommendation, hindi sana si Ronnie ang napili for his supposed role in GMA’s primetime action series Mga Batang Riles.Sa senador muna inialok ng GMA ang papel bilang tagapagsanay ng mga bata sa larangan ng martial arts.Robin, however, politely declined dahil hindi raw kakayanin ng kanyang work schedule.Sa sobrang busy nga’y nakatengga ang dalawang pelikula ni Robin–ang Bad Boy 3 at ang Plaridel, halaw sa buhay ni Marcelo H. del Pilar.Si Robin mismo ang nag-suggest sa GMA na si Ronnie ang ipalit sa kanya.Aminado ang mambabatas na mas gamay ni Ronnie ang martial arts.Habang sinusulat ito’y naibigay na nga ang role kay Ronnie.Ang Mga Batang Riles ay nagtatampok kina Miguel Tanfelix, Kokoy de Santos atbp.Magsisimula itong mapanood sa January 2025.Knowing ABS-CBN, tiyak na kasado na ang ipantatapat nila rito.Production cost-wise, obyus na hindi “kasingdugo” ang bagong primetime show na GMA kumpara sa mamaalam na Pulang Araw, oWidows’ War nga ba? Ronnie Carrasco III