Home ENTERTAINMENT Alden, namudmod ng P500!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Alden, namudmod ng P500!December 20, 2024 12:19 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – What better way to hold a victory party for a highly successful movie than giving away money?Ganito nga ang naisip na gimik ni Alden Richards sa pagtitipon para sa malaking tagumpay ng Hello Love Again nila ni Kathryn Bernardo.Actually, suggestion ‘yon ng co-star nilang si Joross Gamboa–ang mamigay ng pera.Pero ipinamudmod ito ni Alden.May denomination na P500, nasa plastic bag ito na inihagis ni Alden ang mga bills.Siyempre, agawan ang mga masasayang gustong makakuha ng grasya.May P500 bill ngang naligaw sa kinaroroonan ni Kathryn, na ewan kung pinulot niya.Bilang keepsake, pinapirmahan ni Alden kay Kathryn ang t-shirt ng HLA partikular sa likod nito.Hindi man tiyak kung magkano ang total na pinaagaw ni Alden, pero obyus na masaya ang lahat.Samantala, nagbubunyi na sana ang mga haters ni Alden dahil hindi na masusundan ang HLA nila ng aktres.Kaso, isang boss ng Star Cinema ang nag-tag kay Alden ng larawang kuha sa victory party on which may nakasulat na: “Sa uulitin!”Ibig sabihin, HLA may be the last KathDen franchise pero malaki ang posibilidad na may ibang proyektong nakalaan para sa kanila. Ronnie Carrasco III